Badoy sa Makabayan Bloc: CPP-NPA-NDF, itakwil!

By Doris Franche / The Philippine Star


MANILA – Muling hinamon ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng grupo na Karapatan na itakwil ang CPP-NPA-NDF kung tinatawag nila ang kanilang mga sarili na tagapagtanggol ng karapatang pang-tao.


Sa balitaan via zoom ng NTF-ELCAC, sinabi ni Badoy na nakakabingi ang katahimikan ng Makabayan Bloc at iba pang militanteng grupo at nakapagtatakang hindi maitakwil ng mga ito ang Communist Terrorists Group (CTG) sa umano’y ginagawang pananamantala sa mga Filipino kabilang na ang mga katutubo sa mga kanayunan o Indigenous People (IPs).


Matatandaang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan ang ulat na 1,506 na ang kanilang naitatalang mga umano’y krimen ng CTG sa loob lamang ng nakaraang 10 taon.


“I challenge Caloy Zarate, Sara Elago, Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, France Castro, Ferdinand Gaite, na kondinahin ang mga krimen na ito na ginawa sa ating mga kababayan. They’re self-professed defenders of the Filipino people. That’s what they tell us they are. Iyon ang kanilang claims ‘di ba?” sabi pa ni Badoy.

4 views

Related Posts

See All
No tags yet.