Barangay captain sa N. Samar, patay matapos barilin ng mga hinihinalang NPA

By Sharon Evite / ABS-CBN News

Patay ang isang barangay captain sa Northern Samar nitong ika-10 ng Hulyo 2021 maatpos barilin umano ng mga miyembro ng New People's Army. Photo courtesy of Eric Estrevillo

Patay matapos pagbabarilin ang kapitan ng Barangay San Andres, Las Navas, Northern Samar nitong Sabado, sabi ng pulisya.


Nangyari ang pamamaslang kay Crispin Mordido, 37, sa Barangay Lourdes ng nasabing bayan, bandang alas 12:40 ng hapon, ayon sa ulat ng pulisya.


Base sa report mula sa Police Regional Office 8, pinagbabaril si Morbido ng hindi pa mabilang na mga umano'y miyembro ng New People's Army.


Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.


Sa ngayon, hindi pa malinaw ang motibo ng krimen.

8 views

Related Posts

See All
No tags yet.