CHR, NTF-ELCAC kinondena ang NPA

By Doris Franche / The Philippine Star

Bukod dito ay nagkaisa din sila ng layunin na wakasan na ang 52 taon ng panggugulo ng CPP-NPA at ang walang habas na paglabag ng mga ito sa mga karapatang pantao.

MANILA — Nagkaisa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Commission on Human Rights (CHR) sa pagkondena sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) sa patuloy na paggamit ng mga Anti-Personnel Mines (APM) na lantarang paglabag sa International Humanita­rian Laws (IHL), na ang kahulihan ay naganap sa Jipapad, Eastern Samar na ikinasawi ng isang sundalo at dalawang Cafgu.


Bukod dito ay nagkaisa din sila ng layunin na wakasan na ang 52 taon ng panggugulo ng CPP-NPA at ang walang habas na paglabag ng mga ito sa mga karapatang pantao.


Ayon kay Mark Siapno, deputy spokesperson ng CHR, labag sa prin­sipyo at diwa ng IHL ang paggamit ng mga improvised explosive devices, gaya ng landmine.


Ipinangako naman ng CHR sa pamamagitan ni Siapno na ang pangyayari ay madadagdag sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga komunistang terorista.

1 view

Related Posts

See All
No tags yet.