Esperon: Keith Absalon ‘target’ ng CPP-NPA

By Doris Franche / The Philippine Star


MANILA — Kinumpirma ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ‘tinarget’ talaga ng CPP-NPA-NDF na patayin si Keith Absalon dahil sa pagiging sikat nitong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan na umano’y kontra sa kanilang adbokasiya.


Ayon kay Esperon, planado ang ginawang pagpatay kay Keith sa pamamagitan ng anti-personnel mines dahil posibleng maraming kabataan pa ang mahikayat nito sa sports at iba pang gawain na taliwas naman sa adbokasiya ng CPP-NPA-NDF.


Nais umano ng mga terrorist group na mapalakas pa ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng recruitment lalo na sa kabataan kasunod ng sunud-sunod na pagsuko ng kanilang mga miyembro sa Masbate.


Umapela naman sa publiko ang ina Keith na si Vilma Absalon na makiisa at magsama-samang wakasan ang mga pang-aabuso ng CPP-NPA-NDF. Aniya, panahon nang matigil ang hindi makataong hangarin ng grupo lalo na sa mga kabataan.

0 views

Related Posts

See All
No tags yet.