Joma, iba pang lider may pananagutan sa pagkamatay ng magpinsang Absalon

By Doris Franche / The Philippine Star

Matatandaang inako na ng NPA ang pagkakapatay sa mga Absalon noong Hun­yo 6 sa Masbate City nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine (APM) na kanilang itinanim sa daanan ng mga biktima na nagbibisikleta lamang.

MANILA — “May pananagutan si Jose Maria Sison at iba pang lider ng Communist Party of the Philippines, ng New People’s Army at ng National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pagkamatay ng magpinsang Kieth at Nolven Absalon.


Ito ang sinabi ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director of the Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS) at tagapagsalita ng National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa human rights, peace process at international engagements sa ilalim ng International Humanita­rian Law (IHL) at ng mga domestic law.


“Atin tinutukoy ang Geneva Convention (IV) at Additional Protocols covering civilian protection, and Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law,” ani Catura.


Matatandaang inako na ng NPA ang pagkakapatay sa mga Absalon noong Hun­yo 6 sa Masbate City nang pasabugin ng mga ito ang anti-personnel mine (APM) na kanilang itinanim sa daanan ng mga biktima na nagbibisikleta lamang.


Nakapagtala rin ang Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ng 141 insidente ng paglikha, pag-ii­ngat, pagbiyahe at paggamit ng mga bomba ng NPA na nakapinsala at nakapatay na ng 30 sibilyan at lumilitaw na may basbas ito ng mga lider ng CPP tulad ni Sison, Luis Jalandoni, Juliet De Lima-Sison at iba pang mga pinuno ng NDFP.

3 views
No tags yet.