top of page

Mga ginawang krimen ng CPP-NPA-NDF, kondenahin

By Doris Franche / The Philippine Star

Ito ang muling paghamon ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa larangan ng Social Media at Sectoral Concerns, sa Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng grupo na Karapatan.

MANILA – “Kung tinatawag nila ang kanilang mga sarili na tagapagtanggol ng karapatang pang-tao ay kondenahin nila ang mga ginawang krimen ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front ( CPP-NPA-NDF) sa loob ng 10 taon.”


Ito ang muling paghamon ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa larangan ng Social Media at Sectoral Concerns, sa Makabayan Bloc sa Kongreso at militanteng grupo na Karapatan.


Sinabi ni Badoy sa balitaan via zoom ng NTF-ELCAC, na naka­kabingi ang katahimikan ng Makabayan Bloc at iba pang militanteng grupo at nakapagtatakang hindi maitakwil ng mga ito ang CPP-NPA-NDF na tinatawag ding Communist Terrorists Group (CTG) sa ginagawang pananamantala sa mga Filipino kabilang na ang mga katutubo sa mga kanayunan o Indigenous People (IPs).


Matatandaang inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan ang ulat na 1,506 ang kanila nang naitatalang mga krimen ng CTG sa loob lamang ng nakaraang sampung taon.


Itinatag noong 2009, ang Makabayan Bloc sa Kongreso o Makaba­yang Koalisyon ay binubuo ng labing-dalawang (12) politikal na party-list na, sa ngayon ang mga mi­yembro sa Kamara ay sina Cullamat, Gaite at Zarate (Bayan Muna), Elago (Kabataan Partylist), Castro (ACT Teachers Partylist) at Brosas (Gabriela Women’s Party).


Pagwawakas ni Badoy, “I challenge Caloy Zarate, Sara Elago, Eufemia Cullamat, Arlene Brosas, France Castro, Ferdinand Gaite, na kondenahin ang mga krimen na ito na ginawa sa ating mga kababayan. They’re self-professed defenders of the Filipino people. That’s what they tell us they are. Iyon ang kanilang claims ‘di ba?’.

7 views

Comments


No tags yet.
bottom of page