NDF markado bilang terorista
By Doris Franche / The Philippine Star
MANILA — Matagal nang markado ng pamahalaan ang National Democratic Front (NDF) na organisasyon ng mga terorista kasama ang Communist Terrorist Groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA).
Sa balitaan ng NTF-ELCAC, sinabi ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr. na matagal nang gumagalaw ang NDF at nagpapanggap na legal sa publiko. Ngunit sa katotohanan, ang NDF ang talagang nagpoprotekta sa nagiging source ng recruitments. Nakikita anya ng pamahalaan paano ang relasyon ng NDF sa CPP at NPA.
Ani Esperon, inamin din ni NDF founding chairman Jose Maria Sison noong April 23 sa kanilang anibersaryo ang mga affiliated organizations kung saan 18 dito ay underground mass organizations na nagpapatakbo ng mga front organizations.
Inamin din aniya ni Sison na plinano nilang pabagsakin ang pamahalaan sa tulong ng mga organisasyong tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Gabriela.