top of page

Tagalog News: P10M ipinagkaloob ng PLGU para sa rehabilitasyon ng Ambaguio FMR

By Benjamin Moses M. Ebreo / Philippine Information Agency


BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Tinanggap kahapon ni Ambaguio Mayor Arnold Dinungon mula kay Governor Carlos Padilla ang sampung milyon na ambag ng pamahalaang panlalawigan para sa rehabilitasyon ng Farm-to-Market Road (FMR) sa nasabing bayan.


Ayon kay Mayor Arnold Dinungon, layunin ng tulong pinansiyal na hango mula sa Philippine Rural Development Program (PRDP) na ayusin ang FMR sa barangay Camandag at Ammoweg, pawang daanan ng mga magsasaka ng gulay mula sa bulubunduking komunidad ng dalawang barangay.


Dagdag ni Dinungon na makatutulong ito sa isinusulong na End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program ng pamahalaan sa bayan ng Ambaguio upang matigil na ang rekrutment at kampanya ng NPA laban sa pamahalaan.


Ayon pa kay Dinungon, malaking tulong din ito para sa kanilang mga upland farmer dahil mas madali na nilang maibababa ang kanilang mga produkto tungo sa mga pamilihan.


"Makakatulong din ang pagsasaayos sa nasabing FMR sa turismo ng bayan dahil nagsisibli itong alternate road ng mga mountaineer tungo sa Mt. Pulag sa karatig na probinsiya ng Benguet," sinabi pa ni Dinungon. (MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

4 views

Comentarios


No tags yet.
bottom of page