‘Operation Delta’ ng CPP-NPA, ibinunyag ng NTF-ELCAC
By Doris Franche / The Philippine Star
MANILA — Ibinunyag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ‘Oplan Delta” ng CPP-NPA-NDF na umano’y “demolition job” na sisira sa pagkatao ng mga opisyal ng task force partikular na ang mga taga-pagsalita nito.
Sinabi ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Social Media at Sectoral Concern, na ayon sa ‘intelligence report’ ang Oplan Delta ay plinano umano ng namumuno sa National United Front Commission ng CPP-NPA-NDF na si Nathaniel Santiago.
Kasama sa pulong ang mataas na opisyal ng communist terrorist groups (CTGs) na Maria Sol Taule na kumakatawan bilang tagapagtanggol ng mga NPA at ng partylist group na Karapatan.
Ayon kay Badoy, ikinababahala umano ng CTGs ang kanyang posibleng pagtakbo kasama sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Undersecretary Joel Egco at Atty. Marlon Bosantog sa halalan sa susunod na taon kaya mas pinaiigting nito ang kanilang black propaganda.
Comments