PAGBATI NG MALIGAYANG PASKO SA SAMBAYANANG PILIPINO MULA SA NTF ELCAC

Ibinabati ng NTFELCAC ang Sambayanang Pilipino sampu ng mga minamahal niyo sa buhay.


Ngayong panahon ng Pasko na kung saan nakatuon ang oras at atensyon natin sa ating mga pamilya, huwag nating kalimutang makiisa sa mga pamilyang nagdadalamhati at nangungulila sa mga anak nilang nahikayat na sumali sa armadong pakikibaka dahil sa tahasang panloloko ng ANAKBAYAN, LFS, KABATAAN, BAYAN MUNA, GABRIELA, ACT, CEGP, NUJP, NUPL, IBON, KARAPATAN at iba pang mga prente ng CPP NPA NDF.


Tayo rin ay nakaupo sa tabi ng mga nanay nila at nakadungaw para tingnan kung sa paskong ito ay masisilayan ang mukha ng mga anak nila at mayayapos na muli.


Kaisa nila tayo sa pagnanasang mabuo na muli ang mga pamilyang winasak ng CPP NPA NDF. At tulad noong mga panahong bago dumating ang mga teroristang CPP NPA NDF sa buhay nila, makasalo muli ang isa't isa sa simpleng noche buena na puno ng tawanan at pagmamahalan.


Sa NTF ELCAC, maliwanag ang mandato namin na sa Pangulo natin mismo nanggaling: ang tunay na paninilbihan ng mga lingkod bayan at ang wakasan na ang salot na ito bago matapos ang termino ng ating Pangulong Duterte.


Kami ay taos na nagpapasalamat na kaisa namin kayo sa laban na ito dahil KAYO ang tunay na pwersang magwawakas ng madugong yugtong ito sa ating kasaysayan.


Abot-tanaw na namin ang bukang liwayway ng ating Bansa at ramdam na namin ang pagdating ng tunay na kapayapaan kung saan hindi na papatay ng kapwa Pilipino ang Pilipino.


Maghihilom na ang mga sugat natin at makakauwi na ng ligtas ang mga anak natin at mayayapos na uli natin sila ng buong buo.


Maligayang Pasko, mga kababayan namin.


Tuloy ang laban para sa Bayan at para sa mga mahal nating anak!




Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy NTF ELCAC Spokesperson

0 views

Related Posts

See All
No tags yet.