Pagpatay kay Keith Absalon planado ng CPP-NPA

By Doris Franche / The Philippine Star


MANILA — Tinarget talagang patayin ng CPP-NPA-NDF si Keith Absalon dahil sa pagiging sikat nitong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan na umano’y kontra sa adbokasiya ng rebeldeng grupo.


Ito ang kinumpirma ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. dahil ang ginawang pagpatay kay Keith ay pamamagitan ng anti-personnel mines.


Nais naman ng mga terrorist group na mapalakas pa ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng recruitment lalo na sa kabataan kasunod ng sunud-sunod na pagsuko ng kanilang mga miyembro sa Masbate.


Umapela naman sa publiko ang ina Kieth na si Vilma Absalon na makiisa at magsama-samang wakasan ang mga pang-aabuso ng CPP-NPA-NDF at panahon na anyang matigil ang hindi makataong hangarin ng CPP-NPA-NDF lalo na sa mga kabataan.


Inilahad din niya ang kanyang suporta sa “Nationwide Bike for Peace and Justice for the Absalons” na gagawin sa Sabado (17 July 2021), ang ika-40 araw ng pagkamatay ng kanyang anak at ang pinsan si Nolven sa mga kamay ng teroristang-komunistang CPP-NPA-NDF.

0 views

Related Posts

See All
No tags yet.