PAHAYAG NG NTF ELCAC LABAN SA JOMA SISON BLOC

Mariing ikinikondena ng NTF ELCAC ang Joma Sison Bloc sa Congreso na walang kahihiyang tawagin ang sariling “makabayan” ang paulit ulit na pangbababoy ng mga ito sa Kamara de Representante ng Pilipinas at sa pag gamit ng napakahalaga na institusyon na ito bilang armas at kalasag laban sa mamamayang Pilipino- lalong lalo na ang mga pinakawalang-laban sa atin: ang mga kapatid nating katutubo.


Sa paghain nila ng resolusyon na hinihinging kondenahin ng buong Kamara ang sinasabi nilang pagpatay daw ng ating kasundaluhan ng tatlong katutubo - isa dito isang menor- nung June 15 sa Lianga, Surigao de Sur- binibigyan nila ng proteksyon at depensa ang mga komunistang terorista ng CPP NPA NDF na nasa likod ng trahedyang ito at ang lampas limang dekadang pagpapakahirap at pananamantala ng ating mga kapatid na katutubo kung kaya’t umaabot sa 60 - 90% ng teroristang NPA ay galing sa sektor na ito.


Walang pinagkaiba ito sa resolusyon na inihain nila kamakailan na hininging kondenahin din ng Kamara ang tinatawag nilang “raid” ang pagligtas ng 19 na mga batang katutubo na trinaffic mula Davao hanggang Cebu na walang pahintulot sa mga magulang nito.


At ang isa sa malaking salarin dito ay ang CPP NPA NDF na prente na Save Our Schools Network - na hindi nagsasayang ng oras sa pananamantala ng mga batang katutubo sa pangangalap ng pondo para sa CPP NPA NDF at ang pagtatao sa mga batang katutubo ng mga rally nila.


Lalo lang nila nilinaw kung sino talaga sila: mga matataas na ranggong kasapi ng CPP NPA NDF na kumakatawan sa halimaw at berdugo na si Joma Sison at ang organisasyong nalikha nya na lampas ng 52 years ang walang humpay na lumalabag ng International Humanitarian Law: unang una na dito ay ang pag gamit nila ng child warriors sa bayolente at walang saysay nilang gera.


Hindi pwedeng maliitin ang pagkakasangkot ni France Castro at Satur Ocampo - mga representante ng Bayan Muna partylist - sa pagdampot ng 14 na batang Manobo sa Talaingod, Davao del Norte nung 2018- na walang pahintulot ng mga magulang nila- para gawing child warriors.


O ang pagkakasangkot ni Eufemia Cullamat sa pag-traffic at kidnap ng 19 na mga batang katutubo sa University of San Carlos sa Cebu na walang parental consent at kung saan halos tatlong taong pinaghahanap ng mga ito ang mga anak nila.


At ito ay para gawin silang mga cadre ng CPP NPA NDF. Mga child warriors.


Nagkalat sa social media ang maalab na depensa ni Carlos Zarate ng Bayan Muna sa Haran bakwit center sa Davao City na kung saan dinala ang mga katutubo para gamitin sa mga terrorist activities ng CPP NPA NDF tulad ng human trafficking, kidnapping, child slavery, child abuse, terrorist financing.


Hindi rin pwedeng isawalang-bahala na lang ang pagdedeklara ng lahat ng tribo sa Surigao- kasama ang mga katribo nyang Manobo- si Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat na PERSONA NON GRATA dahil sa hindi na mabilang na mga atraso nito sa mga tribo doon katulad ng direktang pagprotekta nya ng TRIFPSS, ALCADEV, SALUGPUNGAN, MISFI, CTCSM na mga terrorist training camps na likha ng Save Our Schools Network na tumatarget ng mga batang katutubo bilang rekrut ng NPA- na kung saan hindi na mabilang ang nagkandamatay sa napakamumurang mga edad.


Kakaunti pa lang yan sa libo libong atraso ng Joma Sison Bloc- hindi lang sa mga kapatid natin katutubo o sa Bayang Pilipinas kundi sa sangkatauhan dahil sa tahasan nilang pakikipagkunchaba sa paglalabag ng International Humanitarian Law.


Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na nakarating ang anim na yan sa Congreso dahil sa panloloko sa Pilipino at nandyan sila para gampanan ang tungkulin nila sa CPP NPA NDF ng pagpapahina ng ating gobyerno.


Kasama dito ang pangbababoy ng Kamara ng Taongbayan.


Mawawakasan natin ang salot na ito kung tayo ay magkakapit bisig.


At maghihilom din tayo- kasama ang mga sinugatan nilang katutubo at ang mga niyurak nilang mga institusyon natin.




Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy

Spokesperson for New Media and Sectoral Concerns, NTF ELCAC

27 views

Related Posts

See All
No tags yet.