RTF6-ELCAC Supports Task Force Balik Loob

Ikinagagalak ng RTF6-ELCAC ang pagbabalik loob ng ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA at ng mga kasapi ng mga prenteng organisasyon na sumusuporta sa communist terrorist groups.


Kaagapay ninyo ang buong pwersa ng NTF-ELCAC at ang mga ahensya ng pamahalaan na nagkakaisa sa layuning mabigyan ng pagkakataong makapagsimulang muli ang mga dating kasapi ng komunistang teroristang grupo.


Makakasama na ninyong muli ang inyong mga magulang, asawa, mga anak, at ang inyong komunidad. Dalangin namin ang isang mapayapang buhay para sa inyo at sa inyong mga pamilya.


Sa sama sama nating pagtataguyod ng kapayapaan, nawa'y mahikayat natin ang mga natitira pa ninyong kasamahan na iwanan ang marahas at walang saysay na pakikipaglaban sa pamahalaan. Nawa'y mamulat sila sa mapait na katotohanang ginagamit lamang sila ng mga teroristang grupo para maghasik ng takot, poot, at kaguluhan sa ating mga kanayunan.


Nananawagan din kami sa lahat ng Pilipinong may pagmamahal sa bayan at sa kapayapaan na sama sama nating labanan at sugpuin ang salot na komunistang teroristang grupo at itaguyod ang isang bansang mapayapa, nagkakaisa, at naninindigan sa katotohanan at pantay pantay na karapatan sa ilalim ng batas ng Diyos at ng tao.


Sa mga kapatid nating nasa kabundukan pa at nasa loob pa ng mga grupong may ugnayan sa mga komunistang teroristang grupo,


Bukas palad po namin kayong inaantay sa inyong pagbabalik loob sa pamahalaan at pagbabalik sa inyong mga pamilya.


Sa ngalan ng RTF6-ELCAC,


Flosemer Chris Gonzales

Spokesperson, RTF6-ELCAC

DOJ-NPS

11 views

Related Posts

See All
No tags yet.