Sa pagsuko ng mga lider pagbagsak ng CPP-NPA-NDF nalalapit na -- Philippine Army
By Doris Franche / The Philippine Star
MANILA — Nalalapit na umano ang oras ng pagtatapos ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil sa pagsuko ng malaking bilang ng mga lider nito.
Ayon kay Major Gen. Ernesto Torres Jr., commander ng Philippine Army, 10th Infantry “Agila” Division (10ID), makikita ito sa kanilang datos ng simulan nila ang kampanya laban sa mga CPP-NPA-NDF noong 2016 hanggang 2021. Aniya, 12 pang matataas na lider ng NPA ang sumuko.
May anim na “active guerilla fronts” na lamang ang kanilang binabantayan tatlo dito ay maituturing na “weakened” na o mahihina habang ang tatlong natitira pa ay kailangan ang matitinding “combat operations.”
Dagdag pa ni Torres, nabawasan na rin ang mga armas ng NPA at maging mga tauhan nito. Taong 2016 ay may 1,150 armas hanggang sa maibaba sa 270 na lamang.
Isa rin sa indikasyon na humina na ang CPP-NPA-NDF ay ang pagbaba ng bilang ng mga barangay na pineste ng mga komunistang-terorista. Mula sa 193 noong 2016 ay 12 barangay na lang.
Comentarios