On the Disruption of the Joint Gift Giving Activity in Buenavista, Quezon
Ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Regional Office IV-A (CALABARZON) ay mariing kinokondena ang napakaduwag na pananambang sa mga kasundaluhan na nagsagawa ng Joint Gift Giving Activity sa Buenavista, Quezon noong ika-5 ng Hunyo 2021. Ang pagkamatay ng isa (1) at pagkakaroon ng isa (1) ring sugatan ay dagok sa nagkakaisang mga sangay ng gobyerno para maipaabot ang angkop na tulong sa mga kapatid nating mga katutubo sa Lalawigan ng Quezon. Hindi lamang materyal na tulong ang tangan tangan ng ating mga kasundaluhan sa lupaing ninuno kundi pati ang pagrespeto at taos-pusong pag-suporta sa karapatan at kapakanan ng mga katutubo. Dala nila ang malasakit ng isang pamahalaang may pagpapahalaga sa mga mamamayan na walang pasubali sa kulay, kultura at paniniwala. Subalit, sa ngalan ng terorismo at maling idolohiya, pilit na hinaharang ang kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng dahas. Walang puwang ito sa konteksto ng katutubong kaalaman, sistema at pamamaraan.
Comments