Tugon Sa Hiling Ng KABATAAN Partylist Representative Raoul Manuel Na Buwagin ang NTF-ELCAC
Natural lang na hilingin ni Raoul Manuel ng Kabataan Partylist na buwagin ang Task Force na nagpadapa sa CPP NPA NDF dahil si Raoul Manuel ay isang operatiba ng CPP NPA NDF na sumusunod lamang sa mga utos ng CPP CENTRAL COMMITTEE na pabagsakin ang ating gobyerno at gawin tayong komunista.
At para mangyari yan, kinakailangan ng CPP NPA NDF magrekrut ng mga anak natin.
Ang KABATAAN Partylist ang top recruitment agency ng mga anak natin sa teroristang organisasyong CPP NPA NDF.
Hindi na natin maibilang kung Ilan sa mga anak natin ang nalinlang na maging NPA ng KABATAAN PL at iba pang prente ng CPP-NPA-NDF.
Kasama dito ay ang mga dating kadre na nagbalik loob na sa ating gobyerno: mga dating taga UP na sila Alma Gabin, Enrico Caramat, Daniel Dellosa, Daniel Castillo, Kate Raca, Joy Saguino, Ariane Jane Ramos. Hindi na rin maibilang ang namatay bilang terorista na nalinlang ng CPP NPA NDF tulad ni Kevin Castro, Chad Booc, Joanne Lapira, atbp.
Hindi namin ikinagugulat ang mga isinaad ng alila ni Joma Sison na si Raoul Manuel. Katulad ng hindi rin namin ikinagulat ang kasinungalingan nya na walang nagawang mabuti ang bilyon bilyong iginasta ng NTF ELCAC sa ating mga kababayan.
Pero kung ang ibig nyang sabihin ay walang naidulot ng mabuti ang NTF ELCAC sa CPP NPA NDF- dyan sya tama.
Kami ang nagpadapa sa kanila kasama ang former rebels at ang taong Bayan.
Ang budget na ipinagkatiwala sa NTF ELCAC ay napunta sa pinakamahihirap nating mga barangay na ilang dekadang pinagsamantalahan at pinagpapatay na walang awa ng mga comrade ni Raoul Manuel sa CPP NPA NDF.
Meron na sila ngayong mga eskwela, farm to market roads, health centers, water at irrigation systems atbp dahil sa Barangay Development Program na flagship program ng NTF ELCAC.
Ramdam na ramdam na ng ating mga kababayan ang pag aaruga at pag depensa ng gobyerno sa kanila.
Sa pagtanggal ng mga salot na ito sa buhay nila, nakakaranas na ng tutoong kapayapaan ang ating mga kababayan sa unang pagkakataon sa buhay nila.
At dahil dito, natapyas ng kalahati ang mga comrade ni Raoul Manuel na mga urban operatives din tulad nya ng CPP NPA NDF sa Congreso. Sa unang pagkakataon matapos ang 21 years, hindi nakaupo ang Bayan Muna dahil sa malawakang pagsuka ng taongbayan sa kanila.
Nagsurrender na rin ng maluwalhati ang 25,200 dating mga NPA - mga pinakamahihirap nating mga kababayan na inudyukan ng CPP NPA NDF- kasama si Raoul Manuel - na lumaban sa isang gerang sila mismo ay hindi kayang lahukan.
Habang nagpapakasasa at nagpapalaki ng mga tyan at bulsa nila sa Congreso ang mga hipokritong ito, lalong nalugmok sa kahirapan at nagkakandamatay sa kagutoman ang mga pinakamahihirap nating kababayan sa kanayunan na naloko nilang tumangan ng baril at labanan ang gobyerno.
Sa 68 guerilla fronts nung nagsimula ang NTF ELCAC, 51 na ang napadapa natin at ang natitirang 17 ay hinang hina na at nasa bingit na rin ng pagkakadapa at hindi na makakabangon muli.
Na-neutralize na din ng NTF ELCAC ang pinakamatataas na mga opisyal ng CPP NPA NDF, mga mangangatay at terorista- sila Julius Geron, Ka Bok, Ka Oris, si Codaste, Alcid, Manuel at marami pang iba.
Kaya naiintindihan namin ang mga sinabi ni Raoul Manuel ng Kabataan PL na prente ng CPP NPA NDF. Ginagawa lang nya ang trabaho nya bilang operatiba ng teroristang organisasyong naghihingalo na at sinusubukang muling buhayin.
Pero tapos na sila. Alam na ng taongbayan kung sino sila.
Nagkaisa na ang Pilipinas sa pagsugpo sa mga SALOT na ito at ngayon, bawat Pilipino ay nagkakapit bisig upang mawakasan na ang lampas limang dekadang SALOT na ito.
Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy NTF-ELCAC Spokesperson for Social Media Affairs and Sectoral Concerns
Comments