top of page

UP security bill na pinalusot walang saysay

By Doris Franche / The Philippine Star


MANILA — Wala nang saysay ang isinulong na panukalang batas ng Makabayan Bloc na House Bill 10171 o ang University of the Philippines (UP) Security Act sa paghahain ng Motion for Reconsideration (MR) ni Cavite (7th District) Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong September 30, 2021.


Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes, sinabi ni Remulla, House Senior Deputy Majority Leader ng Committee on Rules na ‘patay na” ang HB 10171 dahil ang 179 mambabatas na nagsiboto rito noong una ay nagsiboto rin sa MR na inihain ng Cavite solon.


Isiniwalat din Remulla na “smuggled” ang pagkakasulong ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa panukala nang isingit nila ito para sa ikatlo at pinal na pagpapasa bilang batas habang tinatalakay ng Kongreso ang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.


Nangangahulugang ang panukala ay ibabalik sa lebel ng komite partikular na ang Committee on Rules na siya niya ring pinamumunuan kung tatalakayin pang muli o hindi na ang HB 10171.


Ani Remulla kalokohan ang bill at lumalabag sa pagkakapantay-pantay.

2 views

Comments


No tags yet.
bottom of page