Diskwalipikasyon vs Kabataan Partylist inihain
By Doris Franche / The Philippine Star
MANILA — Inihayag ni Atty. Marlon Bosantog, Regional Director ng National Commission on Indigenous People (NCIP) ng CAR at isa sa mga tagapagsa-lita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na naghain sila ng petisyon sa Commission on Election (Comelec) para madiskuwalipika ang Kabataan Partylist ni Rep. Sarah Elago sa 2022 elections.
Ayon kay Bosantog, ang petisyon ay base na rin umano sa mga pamantayan nito gaya ng hindi pagsunod sa mga itinatakda ng Saligang Batas ng Pilipinas at ang tanging layunin lamang ng CPP-NPA ay daanin sa dahas ang pang-aagaw ng demokratikong pamahalaan sa bansa.
Nabatid na tatlong dating mga ‘kadre’ ng teroristang grupong CPP-NPA at miyembro ng Kabataan Partylist ang naghayag na si Elago ay miyembro rin ng samahan at ang organisasyon na kinabibilangan nila ay isa lamang sa mga itinatag upang itago ang tunay na pakay ng teroristang-komunistang samahan.
Sinabi rin ni Bosantog na ang pagsasampa ng petisyon ng diskwalipikasyon laban sa Kabataan Partylist ay isa ring “challenge accepted” dahil sa palagiang paghamon ng Makabayan Bloc members sa House of Representative na sampahan sila ng kaso kung talagang maiuugnay sila sa CPP-NPA.
Commentaires