top of page

Indigenous People, pinagbibitiw si Rep. Cullamat, Makabayan Bloc

By Doris Franche / The Philippine Star


MANILA — Dahil sa kabiguang isulong ang kapaka­nan ng mga tribu ng Indi­genous People (IP), pi­nagbibitiw ni Datu Rico Maca, Municipal Indi­genous People Mandatory Representative ng San Miguel, Surigao del Sur si Bayan Partylist Rep. Eufenia Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso.


Sa virtual balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Maca na bagamat nabibilang si Cullamat sa IP na Manobo Tribe, tinalikuran nito ang kanyang pangako at sa halip ay nakikipagsabwatan sa Makabayan Bloc sa mga pagpaslang sa mga lider ng mga tribu na sumasalungat sa mga agenda ng CPP-NPA-NDF.


Sinabi ni Maca na walang plano para sa kapayapaan si Cullamat gayundin sa mga kabataan na taliwas sa pangako nito na magiging boses ng tribu sa Kongreso. Ginagamit lamang nito ang posisyon para lamang sa pangsariling interes at kapaka­nan ng komunistang-teroristang samahan.


Dahil dito, sinabi ni Maca na nagpasa ng 126 resolusyon ang kanilang mga tribu na kasapi sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous People (ICCs/IPs) at idineklarang ‘persona non grata’ na si Cullamat sa kanilang mga ancestral lands.

17 views

Opmerkingen


No tags yet.
bottom of page