Pagpupugay sa Mga Manggagawang Pilipino
Kaisa ng NTF-ELCAC ang mga manggagawang Pinoy sa lahat ng antas ng lipunan, mga industriya, mga sektor, mga magsasaka, mga mangingisda at bawat indibidwal na nagtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa ngayong Mayo uno, araw ng Linggo, sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.
Bilang pagkilala sa sipag, tiyaga, kakayahan, at kasanayan ng ating mga obrero, taos pusong iniaalay ng NTF-ELCAC sa ating mga magigiting na mga bayani mula sa hanay ng mga mangagawang uri ang DUTERTE Legacy Caravan na may tema, "Pagkakaisa ng Mamamayan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran" sa EDSA People Power Monument na sumasagisag sa nag aalab na hangarin ng bawat Pilipino na makamit ang wagas at makatarungang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpuksa sa teroristang CPP-NPA-NDF na syang sanhi ng hinagpis at pagdurusa ng marami sa ating mga kababayan.
Ang pagdiriwang at pagpupugay sa ating mga bayaning manggagawa ay sabayang gaganapin sa mga lalawigan, mga kalungsuran, at mga kabayanan sa buong kapuluan.
Nais natin na mabigyan ng kaukulang pagkilala ang mga mahahalagang ambag ng ating mga manggagawa sa pagtataguyod ng isang matatag at maunlad na Republika ng Pilipinas.
Layunin ng NTF-ELCAC sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maiahon ang ating mga manggagawa mula sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng kanilang mga huwad at mapagkunwaring mga prenteng organisasyon.
Sa pamamagitan ng pinagsama-samang pwersa at nagkakaisang mga kawani ng mgaahensya ng pamahalaan na bumubuo ng NTF-ELCAC, handog natin