Statement in Response to KABATAAN Party List

Ang mas malaking trahedya ay pilit binibigyan ng justification ng grupong ito ang mga karumaldumal na gawain ng teroristang CPP-NPA.


Para sa Tagapagsalita ng KABATAAN Party List, hindi mo pwedeng ibaling sa gobyerno ang ginawang pagpaslang ng mga pulang mandirigma ng NPA sa magpinsang Absalon.


Sabi mo gobyerno ang dapat sisihin dahil napilitan ang mga NPA na humawak ng armas. Dahil may armas at bomba ang NPA, at ginamit nila ito sa pagpaslang sa magpinsang Absalon, kasalanan na naman ng gobyerno?


Napaka sigasig naman yata ninyo sa paglilihis ng isyu at paglilipat ng bintang sa gobyerno para ma bawasan ang impact ng negative reaction ng taongbayan sa CPP-NPA. Bakit po kayo ganito?


Kayo na yata ang mas malaking trahedya sa usaping ito. Nakukuha pa ninyo na baluktutin ang mga pangyayari.


Tama na ang pagbibigay first aid sa image ng CPP-NPA. LANTAD NA LANTAD na ang tunay na anyo ng CPP-NPA.


SILA AY MGA HUWAD NA REBOLUSYUNARYO at MGA TERORISTANG PUMAPATAY ng mga sibilyan.


Sa kabila nito,


You are actually suggesting that the government resume negotiations with the communist terrorist group CPP-NPA?


Get Real! Ok lang po ba talaga kayo o talagang lantaran na ang pagkampi ninyo sa CPP-NPA na medyo nagiging tagapagsalita na rin po nila kayo?


Pwede naman kasi na ikondena nyo na lang yung ginawa ng CPP-NPA. Maling mali naman kasi. Nagpaliwanag pa kasi kayo...

Para sa kanila.

Mali rin yun kasi walang justification ang ginawa nilang pagpaslang sa magpinsang Absalon.


Chris Gonzales

Tagapagsalita, RTF6-ELCAC

7 views

Related Posts

See All
No tags yet.